CulturEd Mimaropa, Graduate Diploma in Cultural Education
Marinduque, Romblon, Mindoro, Palawan
Kaisa sa Sining ng Marinduque kasama sa Pasinaya para ipagdiwang ang ika-10 taon ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas partnership program
Categories: General

Boac, Marinduque – Kabilang sa Kaisa sa Sining ang Marinduque State College bilang Regional Arts Center sa pagtitipon sa Pasinaya. Samantala, nagbabalik na uli ang Pasinaya Open House Festival ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) ngayong Pebrero 3 hanggang 5 bilang pagdiriwang ng Buwan ng mga Sining. Mas malaki at pinagibayo ang Pasinaya ng CCP ngayong taon sa Tanghalang Ignacio Gimenez, iba pang venue sa CCP complex at maging sa mga katuwang na museo.

 

Ang MSC Culture and Arts Unit ay kasali sa CCP Kaisa sa Sining Regional Art Center annual General Assembly ngayong araw sa CCP Tanghalang Ignacio Gimenez bilang bahagi ng Pasinaya festival bilang markahan ang 10 taon simula noong 2014 ng CCP KSS partnership program. Ang tema ng Pagtitipon ay Bukas: Buhay, Kalikasan, Sining.

 

Habang ang tema ng Pasinaya ngayong taon ay “Piglas Sining” See-all-you can, workshop all-you-can at pay-what-you can sa unang weekend ng Pebrero. Ayon sa CCP, ang Sentrong Pangkultura ay hindi lamang gusali o struktura kundi maaaring kahit saan maaaring maganap ang sining.

 

Binubuo ng limang elemento ang Pasinaya: pagtitipon, palihan, palabas, palitan at paseo museo. Ang pagtitipon ay pagsasama-sama ng mga rehiyonal na bisig ng CCP para magbahagi ng plano at programa para sa mga Kaisa sa Sining at Regional Arts Center sa bansa. Habang ang palabas naman ay mga pagtatanghal at pagpapalabas ng mga CCP Resident Companies, propesyonal, amateur at community-based na mga manlilikha at organisasyong pansining sa iba-ibang anyo. Samantala ang palitan ay arts market kung saan maaari magpakita ng gawa ng mga artist ng kanilang mga likha sa mga potensiyal na producer. At ang paseo museo naman ay pagbisita sa iba-ibang museo sa Metro Manila.

 

Ang minumungkahing donasyon ay hindi bababa sa P50, ang mga bibisita at makikilahok sa pasinaya ay maaaring pumili ng palabas, palihan at iba pang aktibidad  tungkol sa musika, dulaan, sayaw, sining biswal, pelikula, at panitikan.Maaaring magpatala sa CCP at pindutin ang ‘reserve a spot’,  pumili ng ticket at i-click ang ‘get ticket’ at panghuli at ‘checkout’ ang piliin. Maaari din naman magpatala ng on-site sa mga susunod na venue Vicente Sotto St. sa CCP front lawn (liwasang kalikasan), Bukaneg st. sa gilid ng CCP front lawn at sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater) simula ng 6:30 ng umaga.

 

Comments are closed.