Pagbati at pasasalamat sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Philippine Cultural Education Program (PCEP) at School of Graduate Education and Professional Studies (SGEPS) ng Marinduque State College. Lalo’t higit sa mga titser-iskolar ng Mimaropa na kumuha ng CulEd 204: Issues in Cultural Education ngayong Level 2 ng Graduate Education in Cultural Education.
Maraming pagbabago ang nagaganap at pagbabagong magaganap pa sa bingit ng pandemyang Covid19. Nagkaroon ng mga konkretong hakbang upang mapag-ibayo at mapainam pa ang GDCE sa rehiyong Mimaropa. Liban sa bagong delivery mode na flexible, online at remote ay dinagdagan pa ng mga modyul para sa mga GDCE titser-iskolar upang magsilbing gabay sa mga hamon at gawain ng kurso ng Cultural Education. Ang unang modyul ay para sa kasalukuyang daigdig ng VUCA (Volatile, Uncertain, Complex at Ambiguous). Mayroong indibidwal at pangkatang gawain dito kung saan kinakailangan ng mga batayan at salalayang babasahin sa cultural literacy, culture-based education at cultural education. Ang Modyul 2 naman ay tungkol sa Matrix ng Logframe para matiyak ang isyu at hinaing ng mga mismong kalahok, nagsagawa ng participants’ analysis at paggawa ng diagram ng problem at objective tree. Habang ang Modyul 3 naman ay pagproseso gamit ang Open Space Technologies para mapalalim at mapalawak ang mga natukoy na mga problema at usapin sa Edukasyong Pangkultura. Sa puntong ito, ang kasunod na kahingian ay tampok sa Modyul 4 ay para naman sa mga Sagisag Kultura sa pamamagitan ng Appreciative Inquiry at SOAR (Strength, Opportunities, Aspirations at Results). Ang huling modyul 5 ay para naman sa paglalatag ng 4×4 na logframe sa anyo ng mga adhikain, kwento, web symposium at proceedings para sa mga input at impacts.
Ang mga titser-iskolar ay hinati sa apat na grupo sa unang apat na araw. Habang lalo pang dumami ang mga pangkat habang kumunti naman ang bilang mga miyembro nito. Para sa modyul 4, nagkaroon ng palihan ng apat na grupo. Ang unang pangkat ay nagtalakay ng tungkol sa mga paksa ng Teknolohiya, Kalikasan at Kalamidad. Ang ikalawang pangkat ay nag-usap naman ukol sa sakit, pananakop at tunggalian. Ang ikatlong pangkat naman ay nagsamasama para pag-isipan ang trauma, alaala at etika. Samantala ang huling pangkat, nagpadaloy ng para sa propesyonalismo, likas-kaya at pamayanan.
Sa huli, pinamilian ng mga titser-iskolar ang mga sumusunod na paksa para sa huling gawain: Racial capitalism and Philippine Neoliberal Education, Global Borderless Society in the Age of Pandemic, Philippine Colonial and Decolonization Processes at Environmental, Social and Cultural Justice as foundations of Culture-based Education. Ang pinakahuli ang napagkayarian na siyang tampok ang Balay Sibuyanon at Hearth Movement para mapagitaw ang mga usapin ng kalikasan at kalinangang kabuluhan sa planeta hindi lamang sa Asya, kapuluan o sa ating isla.
Muli, pagbati at pasasalamat sa mga titser-iskolar. Nasa inyo ang apoy at lagablab ng hiraya. Patuloy na pagningasin ito saanman makarating! Mag-ingat at pagpalain.
Dr. Randy T. Nobleza,
MSC GDCE Coordinator